16 September 2008

Maldita de Campanilla

Yan ang tawag dati sa kapatid ko.

Isa sa mga super blessings ni Lord sa akin ay ang pamilya ko. Dahil sa maikli lang ang pagitan ng aming mga edad, lumaki kaming magkakapatid na parang barkada.

Pag tinanong ako kung sino ang best friend ko, hindi ko sasabihin na ang sister ko at malamang ganun din sha. Pero ganito kami:

Nag-away na kami ng umabot sa sabunutan... hindi lang ata once...
Napaiyak ko na sha dahil sa masasakit na salita at sha, ako...
Pag magkasama kami mamasyal, halos di kami tumitigil sa kakatawa...
Pag naluha ang isa, di magtatagal ang pag-sunod ng luha ng isa...
Madalas kailangan namin pigilin ang kwentuhan dahil madaling araw na...

Bilib ako sa lakas nya...
Bilib ako sa pananaw nya...
Bilib ako sa wit nya...
Bilib ako sa puso nya...

BIRTHDAY ni BAMIE ngayon... Sana, dapat, madami pang dumating.

Random Thought: Gratitude...

0 comments: